Mga Realisasyon ng Isang 21-anyos na Working Girl Part 2: Ang Adventures ng Kakarampot kong Sahod!

Matapos ang isang linggong pagdedelay ng mga bagay-bagay gaya nito, nandito na ang part 2!
Sahod, gastos, gastos, gastos, ipon, sahod, gastos ulit, gastos na naman, gastos pa rin… and so on. Walang katapusang gastos! Di tulad ng feelings niya. Kapos. Ang bilis naubos. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Hayuuup!

*******

Nung estudyante palang ako na ang tanging ginawa ay mamalimos ng pera sa mga magulang, hayok na hayok ako noon sa pagkakaroon ng sarili kong trabaho. Sariling trabaho, sariling pera, ganyan nasa isip ko. Pero bes, nobody said it was easy. Hahaha. Akala ko pag may trabaho na ko, may pera na ko. Hindi pala. ANG SAKIT SA ULO. ANG SAKIT SA PUSO. Ibang klaseng heart break to. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Bes, β€˜di pa dumarating yung sahod sa butihing ATM ko pero nagkokompyut na ko! Nagkokompyut kung ilang barya ang matitira! HAHAHA. Wag kayong magmalinis. Alam kong ramdam niyo rin to lalo na sa mga gaya kong fresh grad at nasa first job palang.

Ang hirap magbudget. Bukod sa ayoko sa Math, e nakakastress yung nasasaksihang kong unti-unting nagliliparan ang pera mula sa wallet ko. Sa kung saan? Hindi ko na alam. Hahaha. Pag kinsenas, sobrang lusog niya. Pag petsa de peligro na, NGANGA. Malnourished na si pitaka.

***********

Gayunpaman, masarap pala talaga sa sa feeling yung ako na nagbabayad ng buwan-buwan kong renta, pati tubig at kuryente. Feeling ko, nagdidiwang na rin yung nanay at tatay ko kasi di na ako nanghihingi. Ang kapal ko naman kung dedelihensya pa ako sa kanilanoh? Road to independence, yes! Doble sarap sa pakiramdam kapag nakakapagbigay ako ng kaunting pera sa nanay ko o kaya kapag nabibilhan ko siya ng kung ano-anong gamit sa kusina. Ibang fulfillment yung dala ng award na to. Hindi siya medalya, pero achievement siya.

***********

Weyt. Alam niyo ba? Syempre hindi pa. Naka-excel din β€˜tong budgeting ko. Hahaha. May monitoring ako ng gastos ko EVERYDAY. Nakwento kasi ng isang officemate ko na ginagawa niya to. So trinay ko rin. At ayun na nga. Imbes na matuwa ako nanlumo ako lalo!πŸ˜‚πŸ˜­πŸ˜ŸPaano ba naman? Everytime na makikita ko yung mga ginastos ko e para siyang malaking konsensyang naninigaw. Hahaha. Fudge. Pero itutuloy ko pa rin tong breakdown/tracker ko sa excel, kasi may paninindigan ako.

**********

Ito pa, may ipon challenge din ako. Usong-uso kasi to. Naglipana ang mga post sa FB last year tungkol sa mga taong nag-ipon ng sandamakmak na tig-bente o singkwenta tapos after how many months, yayamanin na sila. E di trinay ko rin. Inggetera ako e. Hahaha. Yung akin simple lang: sa first quarter ng taon, tigbente; sa second quarter tig-kwarenta; sa third quarter tig-sesenta; at sa fourth quarter, tig-otsenta. (Actually, pwede ko naman i-type yung numbers para mapadali mga buhay ng magbabasa, pero nagSpanish ako para masaya.)

March na ngayon, at ang resulta?

Lo,

And,

Behold…
.
.
.
.
.
NGANGA. Hahaha. Wala pa. Ongoing e. Magbibigay akong update sa gitna ng taon. Nahihirapan ako, sa totoo lang. Pero itutuloy ka pa rin, kasi nga may paninindigan ako. Sino pa bang maninindigan para sa sarili kundi ako? πŸ˜‚πŸ˜†πŸ˜‚

********

P.S.

Medyo nalulungkot ako ng slight. πŸ™This entry should have been posted last March pa, a week after Ang Realisasyon ng Isang 21-anyos na Working Girl: Eskwela Oh-na-na. Apat na buwan akong natengga. Busy-busyhan kasi ako sa work ko. Ayan tuloy. Sorry po WordPress. Sorry po sa mangilan-ngilan kong mambabasa. Higit sa lahat, sorry sa sarili ko. Sabi ko noon, dapat dirediretso lang lagi. Andami ko pa ring stop-overs sa buhay. Haaay. Sisikapin kong patuloy na magkwento.✌☝️✊